Thursday, December 17, 2015

GANITO KA BA NUNG BATA KA?




For more tips and strategy join our community Ignition Marketing
register a FREE ACCOUNT here >>>> JOIN ME

Sponsor More Downlines Training #3 - How To Close A Sale

SPONSORING SKILLS#3-CLOSING

Pakingan mo 'to, ang pinaka importanteng skill na kaylangan mong matutunan ay kung
paano mag-close ng sale at ng prospects. Sa madaling salita, kaylangan alam mo kung paano
mo mako-convert yung mga prospects mo in to new downlines.

Bakit ito ang pinaka importantanteng skill sa lahat?

Una: Dahil Closing a Prospect ay ang isang activity sa'yong network marketing business kung saan ka pinaka kikita.

 Pwedeng maging magaling ka sa pagpe-present, pwedeng magaling kang mag invite,
etc. PERO, hanggat hindi mo nako-close yung prospect mo, hindi ka makakapag recruit at
hindi ka makakabenta.

Kapag hindi ka nakakapag recruit, hindi ka kikita. Kapag hindi ka kumikita, malulugi ang
business mo. Kapag nalugi ang business duon ka na magsisimulang huminto at mag quit.

Kahit madami ka pang prospects na kinakausap, at kahit madami ka pang leads, kapag
hindi ka marunong mag-close. Masasayang lang yung oras at effort mo.

Kapag wala kang na-close ng prospect hindi hindi ka makakapag-build ng network marketing business mo.

Pangalawa: Let me tell you a true story, noong unang na-introduce sa‟kin ang network
marketing, naisip ko kagad kung sino-sino yung mga tao na pwede kong matulungan gamit
ang opportunity ko.

Isa sa unang pumasok sa isip ko ay yung kaklase ko nung college. Alam ko kasi yung hirap nya sa buhay. S‟ya yung nagpapa-aral ng mga kapatid nya, sya sumusuporta sa buong
pamilya nya kasi matanda na ang mga magulang nya.

Gustong gusto ko syang mapasali dahil alam ko na malaki ang maitutulong sa kanya at
sa pamilya n‟ya ng opportunity ko. Kaya ang ginawa ko ininvite ko s‟ya sa opportunity meeting ng company namin. Sinet up ko sya ng appointment, nilibot ko saya sa office at pinakilala ko din s‟ya sa mga uplines at partners namin.

Pero hindi lang pala ganun kasimple. Hindi pala porket may intensyon kang tumulong
ay magagawa mo na kaagad. Unfortunately and to make the story short, hindi ko s‟ya napasali dahil wala pa kong kaalam-alam kung paano mag-close. Wala pa ko ng mga proper skill para makapag-close ng prospects. Sa madaling salita hindi ko s‟ya nagawang matulungan.

Kung katulad mo „ko, nasa network marketing tayo dahil gusto din natin na makatulong
sa ibang tao lalo na dun sa mga kakilala natin. Network marketing is people helping people
business tama?

Pero tandaan mo 'to, Kahit gaano pa kaganda ang intention mo na makatulong, hindi mo matutulungan ang isang tao gamit ang opportunity mo, hindi mo matutulungan yung mga
kakilala, kaibigan at kamag-anak mo hanggat hindi mo sila nai-sponsor o nare-recruit sa
business mo. Hindi mo sila matutulungan hanggat hindi mo sila nako-close at hanggang hindi
mo sila nagiging downline. Makes sense 'di ba?

 If You Really Want To Help Other People, You Have To Close Them First Into Your Network Marketing Business. 

Eto yung mga dahilan kung bakit kaylangan mong ma-master ang closing skills mo.

Nare-realize mo na ba kung bakit napaka importante na matutunan mo ang mga
skills at strategies na 'to?

CONSULTANT CLOSING METHOD

Eto yung closing method na gusto kong i-share sa‟yo. Sa closing method na „to, parang
boss na boss ang dating mo. Para ka lang nagi-interview ng mga nag a-apply ng trabaho. Para ka lang nagi-interview ng mga prospects.

Ang kagandahan at pinaka nagustuhan ko sa method na „to bukod sa napaka effective
ay napaka simple at madaling i-execute. Perfect ito kung nagsisimula ka pa lang o kung bago
ka pa lang na networker. Kaya kahit nagsisimula ka pa lang ay kayang-kaya mong i-apply
kagad ang closing method na ito.

Pero kung matagal ka naman na sa industry, well that is much better. Mas OK yun dahil
mas mae-execute mo ng mas maganda at mas maayos ang method na ito dahil I‟m sure na
mataas na ang level of confidence mo.

Pero do not under estimate din ang method na ito. Dahil kahit napaka simple nito ay
napaka effective  at power nito.

So for example napanood na ng prospect mo yung opportunity presentation ng company n‟yo. O kaya tapos na s‟yang mag attend ng seminar n‟yo. Parang ganito ang magiging flow ng pag-interview mo dun sa prospect:

Ikaw: "Base dito sa mga pinakita ko sa'yo, magkano yung gusto mong kitain kada buwan working part time?"

Prospect: “Kahit siguro P20,000 lang muna na monthly income”

Ikaw: “OK that’s good. Mga ilang oras kada araw/lingo ang pwede ilaan para sa business na ‘to para ma-achieve mo yang P20,000  per month na income?"

Prospect: “Mga 2 Hours per day”

Ikaw: "OK, Sabihin natin na kumikita ka na ng _____ monthly income working ______
per day, Ano yung pinakamalaking magiging benefit nun para sa'yo at sa family mo?"

Using this line, unti-unti ng kino-close ng prospect mo yung sarili n’ya. S’ya na mismo
ang nagsasabi ng pinakamalaking makukuha nya sa opportunity mo. All of a sudden sya na
ang nagco-convince sa sarili nya. You are just there asking questions. This is powerful stuff!

Ikaw: "May mga gusto ka pa bang mga itanong bago ka magsimula?"

Ikaw: "Ano yung mga questions na gusto mong masagot ko bago ka makapagsimula?"

Ikaw: "Bago ka magsimula sa business na ‘to, may gusto ka pa bang malaman?"

Prospect: Wala naman na

Closing Line:

Ikaw: Sounds to me na ready ka ng mag-join?

OR

Ikaw: Mukang handa ka ng mag-simula. Tama ba?

After mong itanong ito sa‘yong prospect, pakinggan mong mabuti kung ano yung isasagot nila, dito mo malalaman kung may mga tanong pa sila. Kung wala na silang tanong
ang sasabihin lang nila ay “Oo ready na ‘ko” or “Pano ba ‘ko magsisimula?”

Ikaw: OK ganito yung next step na gagawin mo para makapagsimula ka na kaagad.

Ikaw: Ok let me show you yung mga next steps na gagawin mo para makapagsimula ka na kaagad

Congratulations! Na-close mo na ang prospect mo sa'yong downline organization.


Make sure na gamitin mo ang script na ito next time na may maiko-close ka na
prospect,  para mabilis mong mapractice at ma-internalize itong  script na ito. At tsaka para
makita mo din kagad yung mga magiging response at resulta kapag inapply mo ang closing
method na ito.

Eto yung isa sa mga closing method na ginagamit ko para makapag sponsor ng madaming downlines sa aking business.



GET FREE ACCESS CLICK HERE


"Are You Ready to Start Attracting An
Endless Stream of High Quality Leads
and Prospects For Your Business?"

Click Image Below!



Start Your Journey
Join a successful community of
entrepreneurs who are willing to help
you get the results that you want.

Wednesday, December 16, 2015

Sponsor More Downlines Training #2 - Answering Objections


 SPONSORING SKILLS#2-HANDLING OBJECTION

Kung gusto mo talagang ma-master ang pagi-sponsor o pagre-recruit, kaylangan mong
ma-master ang pag-handle ng mga objections. Period.


NAPAKARAMING NETWORKER ANG NGFE-FAIL DAHIL HINDI NILA ALAM MAG HANDLE NG OBJECTION NG TAMA


At ang masama pa, yung ibang mga uplines ay hindi natuturuan ang kanilang mga
downlines, kung paano mag-handle ng mga objections ng tama. Kaya madaming mga
networkers ang walang idea kung paano nila iha-handle ang mga objections ng kanilang
prospects.

Ganito kasi yan partner, Kahit gaano pa kaganda ang pag present mo ng business at
ng products mo. Lahat ng prospects, kahit interesado na yan, sigurado ay may katanungan at
objections pa din yan bago sya magkaron ng final decissions. Normal lang talaga yun!

Pero eto ang masakit... Kapag hindi mo nasagot ng tama ang mga questions at
objections ng mga prospects mo, hindi mo padin sila mapapasali.

Tanungin kita... Nangyari na ba sa'yo na may prospect kang kausap, tapos siguradong-
sigurado ka na na sasali sya. Pero hindi naman nag-join pagkatapos mong maexplainan?

Madalas, nangyayari yung ganun, dahil sa mga objection na hindi nasagot ng tama.

HINDI MO KASALANAN YUN

 Hindi mo kasalanan kung bakit hirap kang makapag recruit, at hindi mo kasalanan na
walang nagturo sa 'yo kung paano mag-handle objections ng tama.

Hindi ko nilalahat pero karamihan sa mga uplines at trainers ang alam lang gawin ay
mag-motivate at sumigaw-sigaw ng POWER at PAYAMAN.

Walang masama sa motivation, actually it's a very good thing at kaylangan natin lahat
nun. Pero eto ang tandaan mo, kahit ikaw pa ang pinaka motivated na networker sa company
nyo, pag di mo natutunan kung paano sumagot ng objections ng tama, mahihirapan ka padin
sa business mo.

At kapag alam mo na kung paano sumagot ng objections ng tama at ng walang halong
pangha-hype. Your prospects will trust you and like you, they will buy your products and they
will join your opportunity.

Ngayon gusto kong ibigay sa‟yo yung scripts na magagamit mo sa pagsagot ng 3
common MLM objections...

Magkano na ba ang kinikita mo dyan
 Pyramiding ba yan? at
 Wala akong pera”


EXAMPLE OBJECTION HANDLING SCRIPT


Objection#1-Magkano na ba kinikita o kinita mo Jan ?

Wala ng mas lulupit pa sa objection / question na „to. Eto yung kapag baguhan ka pa
lang tapos tinanong sa‟yo ay talaga namang mauutal ka at kakabahan.

Pwedeng ang pumasok sa isip mo nung tinanong sayo 'to ay... “Naku baka hindi ko
mapasali „to kasi hindi pa „ko kumikita” or “Naku baka hindi ko mapasali „to kasi maliit palang
ang kinikita ko”.

Eto yung kaylangan mong maintindihan... Most people kapag tinanong nila ang
objection na „to, ay hindi naman talaga nila gustong malaman kung magkano yung eksaktong
kinikita mo.

Dahil ang talagang gusto nilang malaman ay kung...

 Totoo ba ang opportunity mo
 Totoo ba na may mga kumikita sa company n‟yo
 Baka masayang lang ang pera nila kapag nag invest sila

Sa madaling salita gusto nila ng pruweba or ng social proof kung may mga kumikita ba
talaga sa opportunity mo.

May mga ilang sagot sa objection na „to pero sa lahat ng nasubukan ko, ito yung pinaka
effective at nakakatuwa...

Prospect: “Magkano na bang kinita mo dyan?”
Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para maging interesado ka?


Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para maging interesado kang tignan maige
ang opportunity na ‘to? 


Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para ma-impress ka? 

Wag mong kakalimutan ilagay yung Smiley kapag sa chat para hindi magmukang
maangas. Kapag kausap mo yung prospect face to face, ikaw ang mag Smiley Face. :)

Napaka effective nitong sagot na ‘to, mamaya malalaman mo kung bakit pero sa una
medyo kaylangan ng kaunting lakas ng loob kung gagamitin mo ang sagot na ‘to. Medyo
kaylangan ng posture. Pero wag kang magalala dahil masasanay ka din kapag ginamit mo na
‘to ng ilang beses.

Kapag tinanong mo sa prospect ang tanong na ‘to, magbibigay s’ya ng figure sa’yo.
Hindi mahalaga kung hindi mo pa kinita o kinikita yung amount na sasabihin ng prospect mo.
Kaylangan lang ay may mga alam kang success stories from your company. Gagamitin at
ikukwento mo kasi yung success story na yun sa prospect  mo. Parang ganito ang magiging
flow ng paguusap n’yo...

Prospect: Magkano na ba’ng kinita mo dyan?

Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para maging interesado kang tignan maige
‘tong business na ‘to? =)

Prospect: P30,000

Kung kinita mo na yung sinabi nyang figures sa’yo, sabihin mo lang... “Great, yan na
ang kinikita / kinita ko dito, gusto mo bang ITURO ko sa’yo kung ano ang ginawa ko para kitain
yung ganung income?” Kung hindi mo pa kinikita yung sinabi n’yang figures, eto ang isagot

Ikaw: “Well, basically kakasimula ko pa lang sa business na ‘to kaya hindi ko pa nari-
reach yung ganyang level ng income. Pero let me tell you about ________, na kumikita
na ng ganyan dito sa company na ‘to. Gusto mo bang malaman kung ano yung ginawa
n’ya para kitain yung ganung income?”

Kwento mo yung maikling storya ng taong binanggit mo. Then tell your prospect this...

Ikaw: Kung willing ka ding aralin at gawin yung ginawa n’ya possible din na kitain mo
yung income na kinita n’ya. Willing ka bang matutunan at gawin yung ginawa n’ya?

Prospect: Oo

Ikaw: Ok good, eto yung unang gagawin mo para makapag simula...
(Sponsor him / her in your business)

NOTE:

Sinabi mo dito sa last line na ito ay “posible din na kitain”, ibig sabihin hindi ka nag ga-
guarantee na kikita sya ng same amount. Magdedepende padin kasi sa aksyon n‟ya ang
magiging resulta n‟ya.

Magandang idea din kung ipapakilala mo s‟ya sa mga higher uplines ng team n‟yo na
may mga resulta na. Eto ay para mas tumibay yung social proof.


Objection#2-Pyramiding ba to?

Maraming paraan para sagutin yung objection ba 'to. Pero etong una ay ang
nakakatuwang paraan para sagutin ang nakakatawang Objection na 'to. Have fun Answering
Objections, unti-unti mong i-build ang  self confidence. Dadating din yung time hindi mo na
madidinig ang objection na 'to.

Prospect: Pyramiding ba to?

Ikaw: Anong ibig mong sabihin? Yung mga illegal?

Prospect: Oo

Ikaw: Yung tipong nangangako na mag-invest ka lang tapos do-doble na ang pera mo
kahit wala kang gawin?

Prospect: Oo

Ikaw: Yung magi-invest ka lang ng pera tapos wala kang makukuhang produkto, basta
sabi nila kikita yung pera mo?

Prospect: Oo

Ikaw: Ganun ba ang hinahanap mo?

Prospect: Hindi

Ikaw: Ok That‟s Good dahil kabaligtaran ito nun.

Teach him/her kung ano yung pinagkaiba ng mga pyramiding scams
sa mga legitimate network marketing opportunities. pero halos parang sinabi mo na din sa
kanya ang mga yun...

1. Una dahil hindi ka nangangako na siguradong kikita sila kahit wala silang gawin.
2. Pinaalam mo na may kapalit yung investment nila at may makukuha silang produkto.
3. Nilinaw mo na para kumita sila kaylangan ay may gawin sila.


Objection#3-Wala ako pera

Eto ang sagot d‟yan:

“Seryoso? Wala kang pera!? Yang itsura mong yan wala kang pera?” Pero „pag-gimik at
inuman may pera ka, Tapos pag may bagong labas na iPhone bigla kang nakakabili.
May paista-star bucks ka pa wala ka naman palang pera!!!”

LOL biro lang wag mong sasabihin „to sa prospect mo baka bigla
kang dagukan.. :D

Dalawang klase ng prospect ang nagsasabi ng ganitong klase ng objection. Yung isa ay
yung mga wala talagang pera at yung isa naman ay yung mga nagpapalusot lang.

70-80% ng mga prospects mo na nagsabi ng ganitong objection ay mga nagpapalusot
lang. Oo totoo! (Pwera na lang kung ang mga ini-invite mo sa BOM n‟yo ay puros mga pulubi
sa kalye. Yun talaga, magsasabi lahat yun ng totoo kasi wala talaga silang pera.)

I don‟t really consider this an objection, Bakit?... Subukan mong magpunta sa mga
urban na lugar at mga slum area. Makikita mo dun madaming hirap at walang pera. Pero wag
ka, wala silang pera pero ang lalaki ng TV n‟yan sa bahay. Naka cable pa. At ang malupit
kapag may birthday, ang handaan bonggang-bongga.

Ibig sabihin, kahit anong bagay pa yan  “kapag gusto magagawan ng paraan, kapag
ayaw, makakaimbento ng dahilan.”

Madalas palusot lang itong objection na „to. This is an easy way out. Madalas mong
matatanggap ang ganitong klase ng objection kung hindi mo kina-qualify at sino-sort out ng
maige yung mga prospects na kinakausap mo.

Para ma-handle mo ng tama ang objection na „to, kaylangan mo lang alamin kung
nagpapalusot lang ba ang prospect mo o nagsasabi ba s‟ya talaga ng totoo.

Dahil ang realidad ay pwede mong sabihin sa prospect mo ang lahat ng paraan para
makapag start sila ng kanilang business at kung paano sila makakapag raise ng pang invest.
Pero ang tanging mga gagawa lang ng aksyon ay yung mga tao na nakita yung bigger picture
ng network marketing.

Ang matutulungan mo lang talaga ay yung mga interesado at yung talagang desedido.

Eto yung pwede mong sabihin para malaman mo kung nagsasabi ba
sila ng totoo o nagpapalusot lang sila.

Prospect: “Wala akong pera”

Ikaw: Pwede bang magtanong? Ok lang ba sa‟yo kung magtatapatan ta‟yo sa isa‟t-isa?

Prospect: Yes bakit?

Ikaw: “Ibig mo bang sabihin ay interesado ka sa business na „to pero wala ka lang pera
O sinsabi mo lang na wala kang pera dahil mabait kang tao at ayaw mo kong ma-offend
kaya hindi mo kagad masabi na hindi ka interesado?” 

Kapag sinabi nilang hindi sila interesado, eto sabihin mo...

Ikaw: Sabi ko na eh... Ha ha ha. Ikaw talaga... Walang problema. I understand. Hindi
naman kasi talaga para sa lahat ang business na „to. Ang hinahanap ko lang ay yung
interesadong matulungan ng opportunity na „to.

OR You can also ask for referral...

May kilala ka bang gustong kumita ng additional ____ per month
na additional income at pwedeng matulungan ng business na „to?

Kapag sinabi nilang interesado talaga sila kaso wala lang talaga
silang pera, ang kaylangan mo lang gawin ay turuan sila kung paano magisip ng mayaman.
How to think like a rich person.

Kaya kasi nila nasabi na wala silang pera dahil meron pa silang poor mindset. Gusto
nila yung business pero hindi nila alam kung paano maging resourceful. Hindi nila alam kung

paano makakagawa ng paraan para  makakapag raise ng puhunan. Tuturuan mo sila kung
paano magiisip ng parang mayaman - madiskarte.

Ganito yung sasabihin at ipapagawa mo sa kanila.

Answer 1:

Ikaw: “Naiintindihan ko yang sitwasyon mo. Nuong una kong nakita 'tong business na
'to ganyan din yung sitwasyon ko at ganyan din yung sinabi ko... "Wala akong Pera".

Pero narealize ko... kung wala akong gagawin na paraan. At kung wala akong
gagawing bago wala ding mangyayaring bago. Kung 5 years ago sinasabi ko na yung
salitang “Wala akong pera, Malamang 5 years from now ay paulit-ulit ko pading
sasabihin yung salitang "Wala akong Pera".

Kaya ang ginawa ko... Gumawa ako ng paraan, (Tell your prospect kung anong
ginawa mong paraan para makapag raise ng pang invest)

Eto yung gusto kong itanong sa'yo... gusto mo bang nabang buhay mo na lang
sasabihin yung salitang yan?... "Wala akong Pera”

Prospect: “Syempre hindi”

Ikaw: “Ano yung 3 bagay na pwede mong gawin para makagawa ka ng paraan at para




makapag raise ka ng puhunan?”



"Are You Ready to Start Attracting An
Endless Stream of High Quality Leads
and Prospects For Your Business?"

Click Image Below!



Start Your Journey
Join a successful community of
entrepreneurs who are willing to help
you get the results that you want.

Sunday, December 13, 2015

Sponsor More Downlines - Training 1 ( Sorting Prospects)


SPONSORING#1-SORTING

Bibigyan kita ng magandang analogy para mas maunawaan mo kung paano ba itong
sorting.

 Sabihin natin na may nakita kang tatlong mansanan na nakapatong sa mesa.
Nagugutom kaya ang ginawa mo kumuha ka ng kutsilyo para humiwa ng mansanas para
kumain ng mansanas.

 Yung unang mansanan na hiniwa mo nakita mo ay bulok na yung loob nya, kaya hindi
mo yun kinain.

 Yung pangalawang mansanan na hiniwa mo, nakita mo ay may uod sa loob, kaya hindi
mo din kinain.

Yung pangatlong mansanan na hiniwa mo, nakita mo na Ok na OK, hinog na, at
pwedeng-pwedeng kainin. Kaya yun lang yung mansanan na kinain mo. Bale ang ginawa mo,
hindi mo kinain yung una at pangalawang mansanas dahil nalaman mo KAAGAD na hindi sila
magandang kainin dahil baka magkasakit ka pa.

 Parang ganun yung sorting, pwede mo itong i-apply sa MLM business mo. Pwedeng sa
simula pa lang ay malaman mo na kung sino lang ba ang mga qualified dun sa mga prospects
na kinakausap mo. Kaylangan kasi na mas ilaan mo lang ang oras, effort at pera mo dun sa
mga qualified at interested na mga prospects.


Napaka importante na ma-master mo ang skill na „to, dahil kapag marunong kang mag-sorting...

Hindi ka namagaaksaya ng oras, effort at pera mo para lang kausapin yung mga
hindi qualified na mga prospects.

 Mas makakapag save ka ng valuable time at effort mo dahil ang mga kakausapin

mo lang ay yung mga taong gustong makinig ng business presentation mo at ng mga
sasabihin mo.

 Mas less din ang rejection dahil masasala mo ng maige ang mga madadala mo sa

office nyo.
Tanungin kita, sino‟ng mas gusto mong kausapin, yung mga taong walang idea sa
pupuntahan nyo, negative at skeptical masyado... O yung qualified, open minded at may mga
desire maging successful na prospect na interesadong malaman ang opportunity mo?

Madali mong maso-sort out ang mga prospects mo by Iidentifying their Reason Why.
Kaylangan mo lang gawin ay alamin kung meron bang sapat o magandang reason why yung
prospect na kinakausap mo.

Sabihin natin na may prospect ka na kinakausap, o kaya may leads kang na-generate o
kaya ay may nag inquire sa‟yo. Eto yung ilan sa mga kaylangan mong malaman para
malaman mo kung qualified ba yung taong kinakausap mo...

Bakit nila kaylangan ng Additional Income?
Bakit nila gustong maging successful?
May problema ba silang gusto nilang masolusyunan?
Bakit nilang gustong magkaron ng pagbabago at mas magandang buhay?
etc.

Madali mong maa-identify yung reason why ng prospects mo by simply asking the right
questions. Ngayon gusto kitang bigyan ng mga example questions. Eto yung mga ginagamit
kong questions para magawa kong malaman yung reason why ng mga prospects ko at para
madali kong malaman kung qualified ba sila para sa business ko.

Sorting Questions Examples:

Pwede mo bang sabihin bakit gusto mong magkaron ng additional source of income?
 Pwede mo bang sabihin bakit gusto mong magkaron ng home based business?
 Pwede mo bang sabihin bakit gusto mong magkaron ng part time income?
 Ano yung reason Bakit ka interesado na magkaron ng additional source of income

Malalaman mo kung qualified ba yung prospects na kinakausap mo base dun sa
isasagot n‟ya dito sa mga itatanong mo. Kapag tinanong mo sa prospect mo ang mga example
questions na ito, ganito yung pwede nilang isagot sa‟yo...

Lahat ng prospects na kinakausap ko inaalam ko munang maige kung meron ba silang
maganda at sapat na reason why. Dun ko kasi malalaman kung qualified ba sila o hindi. Alam
ko kasi na kung wala silang maibibigay na maganda or sapat na reason why, hindi din sila
mamo-motivate na mag take ng action. Hindi sila mamo-motivate na mag-join, hindi sila
mamo-motivate na maglabas ng kapital.

Kumbaga wala silang magandang rason para magsimula ng isang network marketing
business. Kaya hindi din ako magaaksaya ng oras para explainan pa sila o dalhin pa sila sa
office. This is how I sort out and qualify my prospects.

Kapag tinanong mo ang mga prospects mo ng mga example questions na binigay ko
sayo, posible na hindi kagad sila mag-open up sayo at posible na hindi kagad nila sabihin
sa‟yo yung reason why nila. Posible na mangyari yun lalo na kung kakikilala mo pa lang ng
prospect mo o kaya naman ay kung hindi ka pa nakakapag-build ng rapport dun sa kausap

Posible na ito yung isagot nila sa‟yo...

Wala lang sino ba naman ng ayaw ng extra income.
Wala lang gusto ko lang madagdagan yung kinikita ko
Wala lang gusto ko lang kumita.

Walang sapat na reason why kapag ganyan yung sinagot ng prospects mo. Ang pwede
mong gawin para magawa mong mag-open up sa‟yo at para magawa mong ma-identify yung
reason why ng prospects mo ay itanong ang another example question na ito...


“Sabihin natin na kumikita ka na ng part time income, Magkano ang gusto mong kitain
on a monthly basis”

Kapag tinanong mo sa prospect mo to magbibigay s‟ya sa‟yo ng figure. For example
P10,000 per month, P20,000 per month,  P50,000 per month, P100,000 per month, etc. Iba-
iba depende dun sa taong kausap mo. kahit na magkano yung sabihin nila na gusto nilang
kitain kada buwan, eto yung next na question na pwede mong itanong....


“Kapag kumikita ka na ng ______ na monthly income, Ano yung pinaka malaking
maitutulong nun para sa‟yo?”



Or




Kapag kumikita ka na ng ______ na monthly income, Ano yung pinaka malaking

maitutulong nun para sa‟yo at sa pamilya mo?”

Kapag naitanong mo na ito, kaylangan ay may maibigay na sayong magandang reason
why ang prospect mo para malaman at matantsa mo kung qualified ba sila na prospect para
sa business mo.

Simpleng mga questions pero very useful para malaman mo kung qualified ang mga
prospect mo. By using these simple questions magagawa mong mag open up yung prospect
na kinakausap mo. You can use these example questions via chat, phone conversation or face
to face / table talk conversation.

 Kapag na-qualify mo na ang prospect mo pwede ka ng mag-move sa next step at yun
ay ang pag-introduce sa kanila  ng opportunity mo. Eto yung line or script na pwede mong
gamitin para madali mong mainvite yung mga prospects mo sa iyong business opportunity
meeting (BOM),  business seminars, or video presentation.


“Kung may maipapakita „ko sa‟yong paraan na pwede kang kumita ng _______  per
month, working  part time, para (their why), willing ka bang tignan kung ano yun?”



“Kung may maipapakita „ko sa‟yong paraan na pwede kang kumita ng _______  per

month, working  part time, para (their why), willing ka bang alamin kung ano yun?”

EX:


“Kung may maipapakita „ko sa‟yong paraan na pwede kang kumita ng P20,000 per
month, working  part time, para magawa mong matulungan ang asawa mo sa mga
gastusin nyo sa bahay, willing ka bang tignan kung ano yun?”



“Kung may maipapakita „ko sa‟yong paraan na pwede kang kumita ng P50,000 per

month, working  part time, para magawa mong mapagtapos ang anak mo sa
pagaaral, willing ka bang alamin kung ano yun?”

Kapag tinanong mo ito sa prospect mo, tingin mo anong isaisagot n‟ya sayo? Isasagot
kaya nya na “Hindi ako willing tignan yan”? Isasagot ba n‟ya sayo na “Wala akong time”?

 Most likely ang isasagot nya sayo ay mga positive answer tulad ng “Sige willing akong

tignan kung ano yan.” o kaya “Mukang OK yan ah, ano ba yan?” o kaya “Sige OK ako d‟yan”,
etc.

 Positive ang mga isasagot n‟ya sayo dahil sa una pa lang ay alam mo na may maganda
o sapat s‟yang reason why. Pangalawa ay dahil ginamit mo yung reason why n‟ya dun sa
invitation mo.

 Napaka effective nitong mga scripts or line na ito make sure na gamitin mo ang mga ito
sa business mo.


 Ngayon eto yung pwede mong gawin para mapakinabangan mo ng maige itong mga
itinuro ko sa‟yo.

1. Write those example sorting questions that I gave you.
2. Read those lines and Internalize them.
3. Start asking those Sorting Questions to your prospects ASAP.



"Are You Ready to Start Attracting An
Endless Stream of High Quality Leads
and Prospects For Your Business?"

Click Image Below!



Start Your Journey
Join a successful community of
entrepreneurs who are willing to help
you get the results that you want.