Sunday, February 7, 2016

The Right Mindset For Closing More Sales and Sponsoring More Downlines



Sa article na'to.. ay malalaman mo yung right mindset para matulungan ka makapag-close ng sale at matulungan ka makapag-sponsor.



Karamihan sa atin na mga entrepreneurs or businessman ay may maling mindset pagdating sa pag-close ng sales at pagdating sa pagbebenta.


Naiilang at nahihiya tayo na mag-ask ng sale kasi iniisip natin at natatakot tayo na baka yung customer na kinakausap natin ay iniisip din nya na baka pineperahan lang natin sya.


Minsan takot din tayo dahil hindi tayo ganun ka-komportable sa sales at kung kagaya mo rin ako, ayaw ko din kasi yung feeling na nagbebenta ka.. parang ang cheap sa paningin ng tao di'ba? Feeling ko parang pinipilit ko yung tao na bumili ng isang product na hindi naman nila gusto.


Kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko sa sarili ko yung maling mindset at maling association na yun.


At yun din ang gusto kong gawin mo.


Dahil hindi ka makakapag-close ng maraming sales at hindi ka makakapag-sponsor ng maraming downlines kung may maling belief ka at may maling mindset ka. At kung hindi mo ini-embrace yung idea ng pagbebenta at pag-close ng sale.

So paano ba natin tatanggalin yung maling mindset na yan pagdating sa sales?


Parang ganito..
Imagine may prospect kang kinakausap.. tapos nasa point "A" siya. Meaning ng point A is yung current situation niya. Ito yung situation na na-e-experience niya yung kanyang problema. It's either Health problem, Relationships or Money problem etc..


Ngayon, meron naman tinatawag na.. point "B". Eto yung situation na gusto niyang mangyari sa kanya. Situation kung saan tipong na-solve niya na yung problema niya. For example sa point "A" ay may financial problem siya. Ngayon, yung point "B" ay yung situation na gusto niyang mangyari sa kanya kung saan gusto niyang magkaroon ng financial freedom para masolusyunan yung problema niya sa pera.



Another example is kung may health or weight problem siya. Yung point "B" ang magdadala sa kanya na magkaroon siya ng healthy lifestyle na pangangatawan or meron na siyang sexy body parang ganon.


Ngayon.. ikaw bilang entrepreneur at salesman, paano mo tatanggalin yung wrong mindset mo para yung taong kausap mo ay makaalis dun sa point "A" which is current situation papunta dun sa point "B" situation na gusto niyang mangyari sa kanya?


Ganito.. imagine sa pagitan ng point "A" and point "B" situation.. meron dyan malaking ilog at isang bangka. At yung ilog na yan ay nag-re-represent ng mga challenges, mga task, or mga problems na kailangan niyang harapin para makatawid siya or makapunta dun sa situation na gusto niya which is point "B". Yung bangka ay yung gagamitin niyang vehicle para makatawid siya. Hindi madali yun sa kanya lalo na kung mag-isa lang siya at alam niyang walang tutulong sa kanya at alam niya sa sarili niya na hindi niya kaya.





Ngayon, ang trabaho mo as a salesman, kailangan ay maitawid mo siya from point "A" to point "B". At para maitawid mo siya.. kailangan ay mapasakay mo siya dun sa bangka. At itong bangka na'to.. ito yung mag-re-represent ng product, opportunity or business mo.


Madali mo lang siyang maitatawid at mapapasakay sa bangka papunta dun sa situation na gusto niyang puntahan.. kung magkakaroon ka lang ng "Strong Belief" na yung product or opportunity mo ang tanging nag-iisang bagay at paraan na makakatulong sa kanya para makatawid papunta dun sa point "B"


At kapag napasakay mo na siya.. of course kailangan mo siyang singilin.. yun ang bayad niya. Parang ang hirap di'ba? Pero kung may strong belief ka na yung product or opportunity mo ang nag-iisang bagay na makakatulong sa kanya para makatawid. Madali mo lang siyang masisingil at madali mo lang ma-ko-close ang sale. Na-gets mo ba? =)


Pero kung wala kang strong belief na yung product or opportunity mo ay makakatulong sa kanya para makatawid, magdadalawang isip ka.. pwedeng isipin mo na baka mabutas yung bangka at biglang lumubog etc..


So dapat..



Kung gusto mo na madali ka lang makapag-close ng sale.. kailangan may "STRONG BELIEF" ka sa solusyon, sa product or sa opportunity na pino-promote mo. Kailangan yung mindset mo na yung product or opportunity mo ang tutulong sa prospect mo para makatawid from point "A" papunta sa point "B".


Dapat ganun ang "Mindset" na meron ka.


So I hope may natutunan ka sa article na'to at kung may natutunan ka, make sure to click like and post your comments below.

Para mas lalo mo pa maintindihan kung paano ka maka- attract
ng maraming clients o customer na bibili ng products o ng business na inaalok mo,







FREE Videos How to Magnetically ATTRACT Lots Of INTERESTED Customers and Prospects Willing To Buy Your Products and Join Your Business Using the POWER of INTERNET.











No comments: