Pag usapan natin ngayon ang mga prospecting methods na
itinuturo ng karamihan at kung bakit hindi na sila effective sa panahon
natin ngayon para gamitin sa pag build ng business mo. Dahil kung hindi
ka magpapalit ng mga strategies, baka ito pa ang mag sabotahe sa
success mo.
Pamimigay ng Flyers
Pamumusakal (Kidnapping)
Pag Tag ng Pictures sa Facebook
Kapag eto ang mga ginagawa mo, binibigyan mo kaagad ng idea
or clue ang prospects mo kung paano nya din gagawin ang magiging
negosyo nya. At yun ay mamimigay din sila ng Flyers sa kalye, at
mamumusakal din sila at mangungumbinse ng mga taong hindi nila
kilala.
Sa totoo lang, walang may gustong gumawa nang mga ganung bagay.
Naalala ko pa dati nung may nabigyan ako ng flyers at nayaya ko
sa business opportunity meeting. Eto ang tinanong nya sakin pagkatapos
ng BOM. "Mamimigay din ba ko ng Flyers?"... FAIL
Ang first impression kasi nila sa mga ganitong business strategy ay cheap!
At kapag cheap ang marketing strategy na ginagawa mo,
ipinapakita lang nito na hindi ka professional sa ginagawa mong
negosyo. Sinong magkakagustong makipag business partner sa ganon?
Gawin nating example ang mga doctors at dentists. May mga
naalala ka bang lumapit sayong dentista at nagtanong ng "Hi Mam/Sir,
baka may sirang ngipin po kayo jan, baka interesado po kayong
magpabunot sakin, dentista po ako."
Wala naman diba? O kaya naman ay ganito...
"Sir baka gusto nyo pong magpacheck up sakin Doctor po ako, Tignan
natin baka may cancer na kayo, mahirap na"
Wala din diba?
Hindi nila ginagawa ang mga yun dahil professional sila at hindi sila
gagawa ng mga gawaing unprofessional.
Maghanap ka nang successful and professional networker na
gumagawa nang mga ganun kung makakahanap ka. Wala din. Because
they do their business professionally. Ang ginagawa ng mga professional
networkers ay... they mentor people, they coach people. They know how
to network at pinaka importante, they know how to market.
Isa pang reason kung bakit hindi effective ang pamimigay ng flyers
at pusakalan ay dahil ang mga taong inapproach mo ay mga taong
hindi nagtanong tungkol sa opportunity mo. Sa madaling salita ay hindi
sila interesado. Hindi sila qualified na prospects.
In Marketing, Offering Something To Someone Who Didn't Show
an Interest For What You are Offering Is A Huge Mistake.
Hindi mo ba napansin na tinatapon lang nila ang flyers mo? Ito ay
dahil wala silang desire magnegosyo at wala silang desire maging
successful kagaya mo.
At pag katapos ang mangyayari dahil hindi sila interesado, you will
end up forcing them your opportunity na parang salesman ng insurance.
At ang pinaka mabilis na paraan para ireject ka ng prospect mo ay
maging isang parang pushy salesman.
Ang kaylangan nating matutunan ay kung paano targetin ang
mga taong naghahanap nang opportunity na kagaya na may roon ka.
Yung mga tipo nang tao na open minded at willing maging successful
kagaya mo. Ang tawag dito ay Target Marketing.
I will discuss topic in my other blog.
I will discuss topic in my other blog.
At isa pa, sa pamimigay ng flyers at pamumusakal, you are
approaching people who don't know, trust, and like you. Sa madaling
salita you are a Total Stranger sa paningin nila. Kahit pa interesado sila
mag start ng business, what makes you think na basta basta lang nila
iaabot ang pinag hirapan at pinag ipunan nilang pera sa taong ngayon
lang nila makikilala.
Eto ang kaylangan mong matandaan. People only do business with
the people they Know, Like and TRUST.
Ngayon kung nagtataka ka kung bakit hindi naman effective ang
pag Tag sa Facebook, ito ay dahil Tagging ay parang online version lang
ng pamimigay ng Flyers. You are still approaching people who didn't ask
what you have. And incase you don't know, Tagging is also considered as
Spamming.
That's why facebook is very strict now in tagging of pictures simply
because it's annoying for people. Just imagine kung anong
nararamdaman mo pag ikaw ang tinatag, diba Badtrip?
Pag gawa ng Prospect List
Pag aalok sa mga kamag anak, kaibigan at kakilala
Nakakalungkot isipin na marami paring tao ang naniniwala na ang
tanging paraan para makapagbuild ng Multi Million Networking business
ay ang kumausap ng mga kaibigan, kakilala at kamaganak..
Ang problema ay eto. Mahigit 60 years na ang Network Marketing
Industry pero Ang madalas na itinuturo parin na mga pamamaraan sa
mga networkers ay yung mga luma at mga hindi na epektibong
paraan. Yung mga strategies na gamit pa nila nung 70's at 80's.
Now chasing friends, and relatives might work for you, kasi wala
naman akong sinabing hindi eto magwowork. What I'm saying is it's not an
effective way of doing a business in today's fast pace and information
age. It might work for you specially IF you have a huge sphere of
influence.
Kung anak ka ng isang maimpluwensyang tao, kung madami kang
koneksyon, kung artista ka, etc. I know you get the point. Unfortunately
most Networkers don't fall in this kind of situation
Isa pa sa hindi sinasabi ng mga MLM superstar (pero eto sasabihin
ko na dahil tingin ko nararapat mo 'tong malaman) ay kapag Traditional
Way ang gagawin mo para palakihin ang network mo, kakaylanganin
mo ng Mahabang Pisi.
Ibig sabihin kailangan mo nang malaking pera pangalaw at pang
support sa mga business expenses mo. At hindi eto pa isa-isang daan.
Maglalabas ka ng thousands sometimes hundreads of thousands of pesos
bago mag take off ang network mo.
I know one top earner who admitedly told me that one reason kaya
nag take off ang negosyo nya is because he invested hundreds of
thousand in pesos nung nagsisimula syang palakihin ang network nya.
Ginamit nya ang pera pang mobilize at pang support sa mga downline
nya. That's good for him but unfortunately, hindi lahat ay kayang
maglabas ng ganung kalaking halaga lalo na kung nagsisimula ka pa
lang.
These are some reasons why Old School Strategy are not effective
specially para sa mga nagsisimulang networker. Ang nakakabigla pa ay
karamian sa mga Networking Companies/Upline trainors will not teach
you to think outside the box. Kadalasan ay ididiscourage ka pa at
sasabihan ka na mag stick lang sa basics and don't reinvent the wheel.
They will insist na ang tanging paraan ay yung tinuturo nila.
Invite, Present, Train...
Invite, Present, Train...
Invite, Present, Train...
Invite, Present, Train...
Teka lang, kung eto lang ang tanging paraan at 97% ang nag fail?
Ibig sabihin palaging may 97% na mag fail sa MLM? Ouch. Sigurado kang
gusto mo paring gawin ang tinuturo nila. I think It's time to reinvent the
wheel! Big Time!
"If You Always Do What You've Always Done,
You Will Also Get What You've Always Gotten"...Anonymous
Pero kung loyalista ka talaga ng flyering at pamumusakal ay ok
lang naman. That's your choice, all I can say is Good Luck! Gaya nga ng
sabi ko wala namang tama o maling paraan para gawin ang MLM. Ang
meron lang ay effective at hindi effective na paraan.
Kung nageenjoy ka mangulit ng mga kamag anak mo, or kung
masaya kang kumausap ng mga tao sa kalye or nag eenjoy ka mamigay
ng flyers. Go On do that.
Ang sabi nga nila, kanya kanyang trip lang yan. Gawin mo ang
negosyo mo sa paraan na nageenjoy ka. Ngayon tatanungin kita, nag-
eenjoy ka ba sa ginagawa mo ngayon?
Ang hindi natin maikakaila ay...
Ang Dahilan Kung Bakit Napakataas ng Failure Rate sa
Network Marketing ay Dahil sa Kung Paano Ginagawa at
Kung Paano Itinuturong Gawin ang Networking.
At ang pinaka masaklap pa, maraming networker ang nagiging
MLM Junkie na lang nang hindi nila namamalayan. Eto yung mga tipo ng
networker na patalon talon ng kumpanya. Kapag hindi nag work out ang
kasalukuyang business nila, talon nanaman ng ibang company.
Ang inaakala nilang may problem ay ang kanilang company, baka
dahil sa products, sa management, or baka sa complan. Ngunit ang
katotohanan ay hindi lang nila naunawaan na ang may problema ay sila
mismo at ang paraan na ginagawa nila.
Hindi din nila naintindihan na ang kaylangan nilang gawin ay i-
grow ang kanilang sarili by investing in themselves and by learning
effective skills.
Don't get me wrong. Products and company are important pero
kadalasan ay nasosobrahan ang emphasis sa mga yun.
Oo pwedeng ikaw na ang may greatest supplement or
gluthathione sa buong mundo pero kung di mo magagawang imarket
ang produkto mo ng tama, hindi ka makakabenta.
It's Not What You Are Selling, It's HOW You Sell It.
Ganun din sa opportunity, kahit napakaganda pa nang kitaan sa
company mo pero maling tao ang mga inaaproach mo. Mahihirapan ka
pa rin mag build ng team mo.
Pero kahit na di kagandahan ang products mo pero kung kaya
mong i-market ito ng tama, you can succeed. The best syempre ay kung
may good marketing strategy at magandang product/opportunity ka.
Biruin mo naman, 60+++ years na ang MLM pero ang mga tinuturo
parin sa mga Networkers na paraan para gawin ang negosyo ay yung
mga lumang strategy na ginagawa nila nuon pa.
Think of this very carefully, Lahat ng bagay sa paligid mo nag
upgrade na. Ulti mo cellphone na dati pang text at pang tawag lang
ngayon touch screen na, may camera, video, games at pwede ka pang
mag internet. Tapos pag dating sa business na magpapayaman sayo at
mag bibigay sayo ng time freedom ang gamit mo
Flyers? Prospect List? Pamumusakal? Hello? :o)
Kung mga lumang strategies padin ang ginagamit mo nang paulit-
ulit, pero paulit-ulit padin namang failure at rejections ang napapala
mo, baka kaylangan mo nang may gawing bago! No, hindi pala baka.
Kaylangan mo na talagang may gawing bago!
"Insanity Is Doing The Same Thing Over And Over Again
and Expecting Different Results"... Albert Einstein
No comments:
Post a Comment